Titipunin at sama-sama pong ipagdarasal ang mga prayer petition para sa mga yumao sa Banal na Misa sa Linggo, Nobyembre 29, 2026, hindi na ipapakita ang mga pangalan sa screen. Ang mga prayer petition,
- Para sa mga yumao ay ihulog lamang sa nakatalagang kahon sa Office 10 mula 10:00–11:20 AM.
- Para sa pasasalamat, kahilingan, at kagalingan: ihiwalay ang listahan at iabot sa mga lingkod sa mga nakatalagang lingkod hanggang 11:20 AM.

Ang Misa de Gallo at Simbang Gabi ay gaganapin gaganapin mula Disyembre 15 – 23, 2026 bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pasko. Ang Banal Na Misa ay ipagdiriwang sa,
- Misa de Gallo ng 4:00 – 5:30 ng madaling-araw at
- Simbang Gabi ng 8:00 – 9:30 ng gabi
Magkakaroon din po tayo ng mga sumusunod na contests at kayo po ay malugod naming inaanyayahan. Ang mga mechanics ay makikita sa Filcom social media :
- Parol Making Contest, submission, 11 December 2026 (1 day only)
- Christmas Carol Writing Contest, submission on or before 11 Dec 2026
- Innovative Attire and Dress Like Saint Nicholas, isuot ang costume sa 23 December 2026
Ang tema sa taong ito ay “Sa Belen Isinilang Diyos ng Sangnilikha: Isang Paglalakbay sa Banal na Pagpapakumbaba”.

Ang ika-32 na Church Wedding ay gaganapin sa ika-2 ng Disyembre 2026, ika-8 ng umaga dito sa ating simbahan.

Ang El Shaddai ay nag-aanyaya para sa kanilang Family Appointments sa ika-6 ng Disyembre 2026, 8:00 AM to 4:00 PM sa Bishop Gremoli Hall.
