Parish and FilCom Announcements

PARISH ANNOUNCEMENTS

The Young Adults Ministry invites all youth and young adults for Mass on Monday, 23rd November at 8:00 PM in the Chapel.

FILCOM ANNOUNCEMENTS

Atin pong titipunin ang mga prayer petition para sa ating mga yumaong mahal sa buhay at sama-samang ipagdarasal at babasbasan sa Banal na Misa sa Nobyembre 29, 2026. Ipagumanhin na hindi na po maipapakita ang bawat pangalan sa screen. Ihulog ang mga prayer petition para sa mga yumao sa kahon sa harap ng Office 10, mula 10:00–11:20 AM.

Para naman sa pasasalamat, kahilingan, at kagalingan, ihiwalay ang mga listahan at iabot sa mga nakatalagang lingkod hanggang 11:20 AM upang maisama sa Misa.

Malugod po naming ipinababatid na tayo ay nabigyan na ng pahintulot na idaos ang Misa de Gallo at Simbang Gabi bilang bahagi ng ating paghahanda sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pasko.

Mula Disyembre 15 – 23, 2026 ay gaganapin ang:

  • Misa de Gallo ng 4:00 – 5:30 ng madaling-araw at
  • Simbang Gabi ng 8:00 – 9:30 ng gabi

Ang tema sa taong ito ay “Sa Belen Isinilang Diyos ng Sangnilikha: Isang Paglalakbay sa Banal na Pagpapakumbaba”.

Inaanyayahan ang lahat ng mga mang-aawit—lalo na ang mga may boses na Tenor at Bass—na nagnanais maglingkod sa Panginoon na sumali sa St. Mary’s Filipino Community Choir.

Ang ika-32 na Church Wedding ay gaganapin sa ika-2 ng Disyembre 2026, ika-8 ng umaga dito sa ating simbahan.

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top