Ikinagagalak naming ipaalam sa lahat na ang restriksiyon sa edad (18 taong gulang pataas) ay inalis na para sa lahat ng Obligatory Masses na naka-iskedyul simula ika-24 ng Abril.
Pinapayagan na ang mga bata na dumalo sa Obligatory Masses, ngunit kinakailangan pa rin ang pagpaparehistro para sa lahat ng dadalo.
Gamitin po ang access link: https://access.saintmarysdubai.org
Upang masunod ang mga kinaukulan at mapanatili ang kaayusan ng mga dadalo sa ating Banal na Misa pinakikiusapan ang lahat ng sumunod sa mga gabay para sa pagpaparehistro.
Pagpaparehistro gamit ang access link
- Kinakailangan ang pagpaparehistro para sa lahat ng Obligatory Masses (O) at Language Masses na naka-iskedyul tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo.
- Ang mga Misa tuwing weekday (W) mula Lunes hanggang Huwebes, at sa Biyernes (6:00 AM, 6:45 AM, 12:00 PM), ay hindi nangangailangan ng pagpaparehistro.
- Pinapayagan na ang mga bata na dumalo sa Obligatory Masses tuwing weekend (Biyernes, Sabado, at Linggo)
- Bawat parishioner ay maaaring magparehistro lamang para sa isang Obligatory Mass
- Ihanda ang inyong Emirates ID sa pagpaparehistro; kinakailangan din itong ipakita sa pagpasok sa simbahan.
- Makakatanggap kayo ng email na kumpirmasyon ng inyong rehistrasyon na naglalaman ng mga detalye tulad ng oras at petsa ng napiling Misa, entry code, QR code, at entrance gate number at iba pa.
Pagpasok sa Simbahan
- Ipinaaalalang tayo po ay dadalo ng Banal Na Misa at sa pagpasok sa simbahan, pumila nang maayos at ihanda na ipakita sa mga lingkod ang inyong Emirates ID at email confirmation. Upang madaling ipakita, maaring i-printscreen ang confirmation at blue QR code.
- Ipinakikiusap ang kooperasyon ng lahat sa pagpapanatili ng katahimikan sa loob ng simbahan at mga halls.
Pagkatapos ng Misa
- Sa katatapos ng misa ay dala natin ang galak at grasyang bigay ng Panginoong Hesus kaya’t tayo ay tahimik at nakangiting lumabas sa itinalagang gate ayon sa gabay ng mga lingkod.
- Hindi po pinahihintulutan ang pagtitipon sa compound ng simbahan.
Antabayan ang mga susunod na informasyon sa website ng St. Mary’s Church Dubai at sa Social Media ng SMCCfilipino.
Matutunghayan ang ating misa online sa SMCCfilipino Facebook page at Youtube.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

