Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa mga programa ngayong Panahon ng Kwaresma na may temang “Misteryo ng Paskuwa: Pagyakap sa Krus, sa Pag-ibig ni Hesus, sa Yapak ni San Francisco.” Ang pagdiriwang ng Ang Pitong (7) Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras) na gaganapin sa Marso 23 – 26, 2026 (Lunes hanggang Huwebes), 7:30pm – 9:30pm. Ito po ay matutunghayan sa SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.
Ang Ikalima at Ika-anim Na Wika ay gaganapin sa Miyerkules, Marso 25, 2026
Ika-limang Wika,
“Nauuhaw ako.” – Juan 19:28

Bibigyang buhay ni Bro. Romualdo Albasin ang ika-limang wika. Si Bro. Wally ay isang tapat na lingkod ng simbahan at aktibong lider ng komunidad. Nagsimula bilang Knight of the Altar noong 1990–1992; deboto ng Nazareno mula pa noong 2010. Sa kasalukuyan siya ay isang lingkod ng Lectors and Commentators Ministry (LCM) at Religious Formation and Evangelization Ministry, Catechist sa St. Mary’s mula 2023 at aktibong miyembro ng Divine Mercy Apostolate. Siya ay isang Food and Health Inspector na naglilingkod ng buong puso sa hanap-bukay at pananampalataya.
Ikaanim na Wika,
“Naganap na.”– Juan 19:30

Si Bro. Erwin Keith Alipio ay matapat na lingkod ng Light of Jesus Family mula pa noong 2018, mapagmahal na asawa, at ama ng dalawang masiglang anak na lalaki. Siya ay isang Accountant at kasalukuyang miyembro ng Board of Governance, Dubai Chapter of the Philippine Institute of Certified Public Accountants. Sa parokya, si Bro. Erwin Keith ay miyembro ng Confraternity of Christian Doctrine (CCD) bilang isang Catechist sa Lifeteen Program.
Magkita-kita po tayo online sa ating SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.
#PanahonNgKwaresma2026
#AngPitongHulingWikaNiHesusIkalimangWika
#AngPitongHulingWikaNiHesusIkaanimNaWika
#StMarysCatholicChurchDubaiSMCCFilipino

