Ang Pitong Huling Wika ni Hesus : Ika-pitong Wika – Marso 26, 2026 (Huwebes)

Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa mga programa ngayong Panahon ng Kwaresma na may temang “Misteryo ng Paskuwa: Pagyakap sa Krus, sa Pag-ibig ni Hesus, sa Yapak ni San Francisco.” Ang pagdiriwang ng Ang Pitong (7) Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras) na gaganapin sa Marso 23 – 26, 2026 (Lunes hanggang Huwebes), 7:30pm – 9:30pm. Ito po ay matutunghayan sa SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.

Ang Ika-pitong Wika ay gaganapin sa Huwebes, Marso 26, 2026 

Ikapitong Wika,

“Ama, sa mga kamay mo’y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” – Lucas 23:46

Sa huling gabi ang magsasalaysay ng kanyang buhay ay si Bro. Gerald Olores (ESPPFIINC.)

Siya ay isang Disciple in Mission ng EL SHADDAI sa United Arab Emirates mula Setyembre 2023 at boluntaryong disipulo ng EL SHADDAI DWXI PPFI Inc. sa loob ng 36 na taon. Sa paglipas ng panahon, naglingkod siya sa iba’t-ibang EL SHADDAI chapters sa Pilipinas at sa ibang bansa. Pinatatag ng mga retreats, recollections, at patuloy na pagsasanay. Nananatiling tapat si Bro Gerald sa kanyang misyon na ipalaganap ang Ebanghelyo ni Hesus at magbigay ng espirituwal na lakas sa mga komunidad sa buong mundo

Magkita-kita po tayo  online sa ating SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.

 

#PanahonNgKwaresma2026

#AngPitongHulingWikaNiHesusIkapitongWika

#StMarysCatholicChurchDubaiSMCCFilipino

 

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top