Ang Pitong (7) Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras): Abril 7-10, 2025

Ang Filipino Community ay malugod na nag-aanyaya sa lahat na dumalo at makiisa sa mga programa ngayong panahon ng kwaresma na may temang “Kwaresma ng Jubileo 2025: Paglalakbay, Pagninilay, Pagbabagong-buhay”.

Ang Pitong (7) Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras) na gaganapin mula Abril 7 – 10, 2025 (Lunes hanggang Huwebes), 7:30pm – 9:30pm sa Bp. Gremoli Hall (Main Hall), St. Mary’s Catholic Church, Dubai, UAE.

Sa mga gabing ito, ating matutunghayan ang mga pagbabahagi mula sa ating mga kapatid sa paglilingkod. Pakinggan natin kung paano kumilos ang Diyos sa kanilang buhay at alamin ang mga karanasan nila na naging daan upang mas lalo nilang makilala ang Panginoong Hesus.

Si Sis. Charmaine P. Rabago ay bahagi ng Light of Jesus (LOJ) community simula noong 2014. Nagsimula siyang maglingkod sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga upuan para sa mga dumalo sa The Feast Dubai hanggang sa magboluntaryo siyang maging bahagi ng mga event at technical ministries. Muling nahanap niya ang kanyang pagkahilig sa pagtuturo nang siya ay imbitahan na magbigay ng talk sa JEWELS – isang pagtitipon ng Light of Jesus Family para sa mga kababaihan, at mula noon ay nagbigay siya ng mga talks sa mga retreat ng LOJ. Sa kasalukuyan, siya ay nangangaral sa The Feast  na ginaganap tuwing Miyerkules.

Si Julie Mae Bacus Chavez o Sis. JM Kayne ng Missionary Families of Christ (MFC) ay isang lisensyadong guro mula sa Cebu at nagtapos ng Bachelor of Secondary Education major sa Social Sciences sa CNU. Nagsimula siya ng kanyang karera sa pagtuturo ng English as Second Language to non-native speakers  sa Cebu bago lumipat sa larangan ng Human Resources dito sa UAE noong 2008.

Sa mahigit 13 taon ng karanasan sa Training, Learning & Development, Performance Management, at Employee Engagement, kasalukuyang nagsisilbi si JM bilang Learning & Performance Management Officer at siya ay isang certified professional sa Training & Development. Higit pa sa kanyang propesyonal na gawain, si JM ay mahilig magpinta, paggawa ng vlog, at pagsusulat. Ang kanyang libro, The Creative Passport, na inilabas noong 2024,ay nagpapakita ng kanyang paniniwala sa panghabambuhay na pagkatuto at ang kapangyarihan ng pagiging malikhain sa parehong personal at propesyonal na paglago.

 

Si Bro Andrew Mije Cabardo ay kasalukuyang nagtratrabaho sa isang Fund Administration Company sa Dubai. Siya at natapos ng BS Accountancy sa Central Philippine University, Iloilo City, noong 2004.

Siya ay kasalukuyang kabilang sa mga Stewards ng The Lord’s Flock Catholic Charismatic Community (TLF), Dubai Chapter. Kasama ang kangyang asawa na si Maria Amparo, sila ay naglilingkod bilang Coordinator of the Small World Ministry of TLF Dubai Chapter. Sinasabuhay nila ang vision and mission ng TLF: “ Save my people. Bring them to safety”. Sila ay nabiyayahan ng tatlong mga anak.

Ang Ex 23:25-26 ay kanyang paboritong bible verse.

Si Sis Ethyl Ivy Fabregas ay miyembro ng Banal na Pag-aaral at kasalukuyang isa sa mga BNP UAE coordinators of Our Lady of Fatima Devotion.

Si Bro. Ramil Bagaslao ay naglilingkod sa ating Filipino Community bilang Asst. Ministry Servant Leader ng Religious Formation and Evangelization Ministry (RFEM)-Pillar for Spiritual Works of Mercy,  bahagi  ng Audio-visual team ng Filcom Multimedia. Siya rin ay naglilingkod sa ating parokya bilang CCD Catechist Support.  Isang miyembro ng Nuesta Padre Jesus Nazareno UAE at deboto ng Our Lady of the Holy Rosary, Divine Mercy and St. Joseph.

Si Bro. Gerald Olores ay isang El Shaddai Disciple in Mission sa United Arab Emirates mula Setyembre 2023 hanggang sa kasalukuyan. Siya ay isang Lingkod ng Diyos na tinawag upang ibahagi ang mensahe ng pag-ibig, pananampalataya at pagkakaisa sa bawat tao sa ibat-ibang panig ng mundo.

Si Bro Gerald ay 35 taon ng volunteer disciple ng El Shaddai PPF Ministry, binabahagi niya ang mabuting balita sa mga pamayanan na hindi pa nakakarinig ito at sa mga taong nangangailangan ng higit na malalim na pananampalataya. Siya ay naitalaga sa mga El Shaddai Chapters sa Pilipinas at sa mga ibang bansa tulad ng UAE, Hongkong, United Kingdom, Japan, Korea, Malaysia, Singapore, Indonesia and Brunei.

Para mas lalong mapaghandaan ang mga pagsubok at kagalakan ng isang misyonero, siya ay dumalo at sumailalim ng mga retreats, recollections, seminars at trainings. Mithiin niya na magkaroon ng pagbabago ang buhay ng bawat tao at ibahagi ang Mabuting Balita ng Diyos sa bawat nangangailangan nito.

Si Bro. Erik Pagdanganan ay miyembro ng  YFC (Youth for Christ) International Core and
Regional Coordinator – Central Africa.

Ang buong pamilya, ang kanyang may-bahay na si Sis. Elvie at ang kanyang tatlong anak ay kanyang kaagapay sa paglilingkod.

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top