Mother’s Day – Pagbabasbas Para Sa Ating Mga Minamahal Na Nanay

Ang pagiging ina ay hindi lamang tungkol sa pag-aaruga sa isang anak, kundi isang walang sawang pagsasakripisyo, pagmamahal, at pagtitiis. Ito ay isang tungkuling puno ng responsibilidad na nangangailangan ng lakas ng loob, pag-unawa, at malasakit. Ang isang ina ay nagsisilbing gabay, tagapagtanggol, at unang guro ng kanyang mga anak. Sa kabila ng pagod at hirap, patuloy siyang nagbibigay ng pagmamahal nang walang hinihinging kapalit.

Bilang pagpupugay sa ating mga mapagmahal na ina, ang Filipino Community ay malugod na nag-aanyaya mga ilaw ng tahanan, Nanay, Inay, Mommy at Mama para sa pagdiriwang ng Mothers’s Day na may temang “Mapagmahal na Ina: Itinangi at Pinagpala.” Ito po ay gaganapin sa darating na Mayo 10, 2026, Linggo, 12:00 PM dito po sa St. Mary’s Catholic Church, Dubai, UAE.

Magkakaroon po ng pagbabasbas para sa mga dakila at minamahal nating mga Nanay pagkatapos ng Banal na Misa.

Mangyaring magregister po lamang tayo para makapasok sa simbahan,

Registration: https://access.saintmarysdubai.org/

MALIGAYANG ARAW NG MGA INA!

Maraming salamat po.

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top