Ang selebrasyon ng Flores de Mayo ay parangal sa Mahal na Birheng Maria. Kasama sa pagdiriwang ang pag-aalay ng mga bulaklak at panalangin sa mga altar ng Inang Maria, na ating ginawa tuwing Linggo sa ating Filipino Mass. Nagkaroon din po tayo ng Online Novena sa loob ng siyam na gabi.
Samahan ninyo kami sa pagtatapos ng isang buwang selebrasyon ng Flores de Mayo sa ika-25 ng Mayo. Gaganapin ang isang prusisyon na tinatawag na Santracruzan. Ang prusisyong ito ay muling pagsasadula ng paghahanap ni Reyna Elena sa Banal na Krus.
Sa St. Mary’s Catholic Church Dubai, sama-sama nating maranasan ang Santacruzan sa ganap na alas onse ng umaga, bago mag-umpisa ang Banal na Misa at isang munting programa sa ganap na alas dos ng hapon sa Bishop Gremoli Hall pagkatapos ng Banal Na Misa.
Magkita-kita po tayo.