Sa paghahanda ng ating Taunang Filcom Retreat, ang lahat ay inaanyayahang magsama-sama sa pagpupuri sa ating, Grand Praise and Worship at Veneration of the Cross sa Linggo, ika-4 ng Oktubre 2026 sa ganap na ika-7 ng gabi sa Bishop Gremoli Hall. Hinihikayat po namin ang lahat na isulat ang inyong mga panalangin o kahilingan sa “Post-it” para sa ating sama-samang panalangin sa Veneration of the Cross.
Kasunod nito ay ang ating Filcom Annual Retreat na may temang “Faith Under Fire” ay gaganapin sa Lunes, ika-5 hanggang Huwebes, ika-8 ng Oktubre 2026, 7:45 ng gabi. Ito ay magtatapos sa ating Filipino Mass sa ika -11 ng Oktubre, ika-12 ng tanghali.
Ang ating retreat facilitator ay si Fr. Jowel Jomarsus P. Gatus. Siya ay kasalukuyang nakatalaga sa Parokya ng San Jose, Arkidiyosesis ng San Fernando, Pampanga. Kilala siya sa pagbabahagi ng mga mensaheng nagbibigay-inspirasyon sa pamamagitan ng kanyang social media platform.
Tayo po ay muling magsama-sama sa pananalangin at pagninilay, upang higit nating mapalalim at mapatatag ang ating personal na relasyon sa ating Panginoong Hesus.
