“Masayang Simbang Gabi”, ito ang gabi-gabing sigaw bati sa siyam (9) na gabi sa St. Mary’s Catholic Church Dubai. Higit na kumikinang ang mga pampaskong palamuti sa sabayang sigaw bati, nagdadagdag ng saya sa buong kapaligiran ng simbahan.
Ang sigaw bati ay nagsimula noong 2017 ng umpisahang gumawa ng Filipino Community ng highlights ng Simbang Gabi.
Likhang napakasaya ng Simbang Gabi at kahit ilang oras lamang ay naiibsan ang pagkasabik sa nakaugaliang ginagawa tuwing kapaskuhan sa ating bansa.
Sa Simbang Gabi ay maraming kuwento ng pagkakaibigan, ibigan at reunion lalo na ang pagbabalik-loob sa Panginoong Hesus.
Muli, magtipon at magkaisa bilang isang malaking pamilyang Pilipino ngayong Simbang Gabi 2024.
Magkita-kita po tayo!