Matapos ang ilang linggong walang selebrasyon ng Filipino Mass, ikinagagalak naming ipahayag na ang ating Banal na Misa (Filipino) ay gaganapin sa Linggo,
Ika-19 ng Abril 2026
12:00 Ng Tanghali
Kung kayo ay may kumpirmasyon para sa English Mass ng 12:30 PM sa Linggo (ika-19 ng Abril 2026), makatatanggap po kayo ng email na nag-aanyaya para sa panibagong pagpaparehistro.
Sa pagbalik ng ating Filipino Mass, para makapasok ng simbahan ay kinakailangan ang pagpaparehistro gamit access link, https://access.saintmarysdubai.org
Para sa kaayusan at kaligtasan ng lahat nang dadalo sa Banal na Misa pinakikiusapan ang lahat ng sumunod sa mga gabay para sa pagpaparehistro.
Pagpaparehistro gamit ang access link
- Kinakailangan ang pagpaparehistro para sa lahat ng Obligatory Masses (O) at Language Masses na naka-iskedyul tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo.
- Ang mga Misa tuwing weekday (W) mula Lunes hanggang Huwebes, at sa Biyernes (6:00 AM, 6:45 AM, 12:00 PM), ay hindi nangangailangan ng pagpaparehistro.
- Tanging mga indibidwal na may edad 18 pataas lamang ang pinapayagang dumalo sa Obligatory Masses tuwing weekend (Biyernes, Sabado, at Linggo).
- Ang mga bata (wala pang 18 taong gulang) at mga hindi nakarehistro ay hindi papayagang makapasok sa Obligatory Masses na nangangailangan ng pagpaparehistro.
- Bawat parishioner ay maaaring magparehistro lamang para sa isang Obligatory Mass sa pagitan ng ika-17, ika-18, at ika-19 ng Abril 2026.
- Ihanda ang inyong Emirates ID sa pagpaparehistro; kinakailangan din itong ipakita sa pagpasok sa simbahan.
- Makakatanggap kayo ng email na kumpirmasyon ng inyong rehistrasyon na naglalaman ng mga detalye tulad ng oras at petsa ng napiling Misa, entry code, QR code, at entrance gate number at iba pa.
Pagpasok sa Simbahan
- Ipinaaalalang tayo po ay dadalo ng Banal Na Misa at sa pagpasok sa simbahan, pumila nang maayos at ihanda na ipakita sa mga lingkod ang inyong Emirates ID at email confirmation.
- Ipinakikiusap ang kooperasyon ng lahat sa pagpapanatili ng katahimikan sa loob ng simbahan at mga halls.
Pagkatapos ng Misa
- Sa katatapos ng misa ay dala natin ang galak at grasyang bigay ng Panginoong Hesus kaya’t tayo ay tahimik at nakangiting lumabas sa itinalagang gate ayon sa gabay ng mga lingkod.
- Hindi po pinahihintulutan ang pagtitipon sa compound ng simbahan.
Antabayan ang mga susunod na informasyon sa website ng St. Mary’s Church Dubai at sa Social Media ng SMCCfilipino.
Matutunghayan ang ating misa online sa SMCCfilipino Facebook page at Youtube.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

