“Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa Akin, at ang tumatanggap sa Akin ay tumatanggap sa nagsugo sa Akin.” (Mt 10:40, ASND)
NOONG panahong iyon, sinabi sinabi ni Hesus sa Kanyang mga apostol: “Ang umiibig sa ama o sa ina nang higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. At ang umiibig sa anak na lalaki at babae na higit sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa Akin ay hindi karapat-dapat sa Akin. Ang nag-iingat sa kanyang buhay ay siyang mawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay magkakamit nito.
Ang tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa Akin, at ang tumatanggap sa Akin ay tumatanggap sa nagsugo sa Akin. Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa siya’y propeta ay tatanggap ng gantimpala ukol sa propeta. At ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa siya’y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. At sinumang magbigay ng kahit isang basong tubig na malamig sa isa sa maliliit na ito dahil sa ito’y alagad Ko—tinitiyak Ko sa inyong tatanggap siya ng gantimpala”
Gabay sa buhay:
Unahin si Kristo sa lahat.
