Ang Mabuting Balita Ayon Kay San Mateo 10:31

“Kaya huwag kayong matakot, dahil mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya”. (Mt 10:31, ASND)

 

NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa Kanyang mga apos[1]tol, “Huwag kayong matakot sa mga tao. Walang natatago na di malalantad, o nalilihim na di mabubunyag. Ang sinasabi Ko sa inyo sa dilim, ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinubulong sa inyo ay inyong ipagsigawan.

Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi nakapapatay ng kaluluwa. Sa halip ang katakutan ninyo’y ang nakapapatay ng kaluluwa at katawan, sa impiyerno.

Hindi ba ipinagbibili ang maya nang dalawa isang pera? Gayunman, kahit isa sa kanila’y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. Maging ang buhok ninyo’y bilang na lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa libu-libong maya.

Ang sinumang kumilala sa Akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin Ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit. Ngunit ang magtatwa sa Akin sa harapan ng mga tao ay itatatwa Ko rin naman sa harapan ng Aking Amang nasa langit”.

Gabay sa buhay:

Sa mga pagsubok ng  buhay, magtiwala sa pagmamahal ng Diyos. Ipinapaalala ni Hesus na alam at pinahahalagahan ng Diyos ang bawat isa sa atin.

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top