Ang Pitong Huling Wika ni Hesus : Ikatlo at Ika-apat Na Wika – Marso 24, 2026 (Martes)

Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa mga programa ngayong Panahon ng Kwaresma na may temang “Misteryo ng Paskuwa: Pagyakap sa Krus, sa Pag-ibig ni Hesus, sa Yapak ni San Francisco.” Ang pagdiriwang ng Ang Pitong (7) Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras) na gaganapin sa Marso 23 – 26, 2026 (Lunes hanggang Huwebes), 7:30pm – 9:30pm. Ito po ay matutunghayan sa SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.

Ang Ikatlo at Ika-apat Na Wika ay gaganapin sa Martes, 24 Marso  2026 

Ikatlong Wika,

“Ginang, narito ang iyong anak…  Narito ang iyong ina”, Juan 19:26–27

Si Bro. Rene Mendoza ang magbabahagi ng kanyang mga pananaw para sa Ikatlong Wika, dala ang kanyang karanasang propesyonal at matibay na pananampalataya. Siya ay isang sales professional sa isang accounting firm, proud parent sa kanyang tatlong anak, at aktibong miyembro ng Banal na Pag-aaral Movement – Middle East Chapter sa nakalipas na apat na taon.

Ika-apat na Wika,

“Eli, Eli, lama sabachthani? Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”, Mateo 27:46

Si Bro. Mike Earl Pelaez ay isang accountant at tapat na miyembro ng The Lord’s Flock (TLF) – UAE. Siya ang kasalukuyang Coordinator ng Kingdom Works Ministry (Samaritan), na nangunguna sa mga gawain para sa pagtulong sa mga nangangailangan. Si Bro. Mike ay isang biyudo, at mapagmahal na ama na isinasabuhay ang kanyang pananampalataya sa pamamagitan nina Hesus, Maria, at Jose. Ang Collosians 1:24” Ngayon ay nagagalak ako sa aking mga pagpapahirap alang-alang sa inyo, at sa aking laman ay tinatapos ko ang mga kulang ng mga pagdurusa ni Cristo alang-alang sa kanyang katawan, na siyang iglesya” ay nagpapakita ng kanyang dedikasyon sa paglilingkod at pagtitiyaga sa pananampalataya.

Magkita-kita po tayo  online sa ating SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.

 

#PanahonNgKwaresma2026

#AngPitongHulingWikaNiHesusIkatlongWika

#AngPitongHulingWikaNiHesusIkaapatNaWika

#StMarysCatholicChurchDubaiSMCCFilipino

 

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top