Malugod naming inaanyayahan ang lahat na dumalo at makiisa sa mga programa ngayong Panahon ng Kwaresma na may temang “Misteryo ng Paskuwa: Pagyakap sa Krus, sa Pag-ibig ni Hesus, sa Yapak ni San Francisco.” Ang pagdiriwang ng Ang Pitong (7) Huling Wika ni Hesus (Siete Palabras) na gaganapin sa Marso 23 – 26, 2026 (Lunes hanggang Huwebes), 7:30pm – 9:30pm. Ito po ay matutunghayan sa SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.
Ang Una at Ikalawang Wika ay gaganapin sa Lunes, 23 Marso 2026
Unang Wika,
“Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Hesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. Sinabi ni Jesus, Ama, patawarin Mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.” Lucas 23, 33-34a
Ang maglalahad ng kanyang karanasan patungkol sa unang wika ay si Sis. Maria Gidget Retig.

Si Sis. Gidget ay isang registered nurse at founding member ng FilCom Youth (FCY). Noong 2006 ay pumunta siya sa Dubai upang mapagsama ang kanyang pamilya. Siya ay dalawampu’t limang (25) taon nang kasal at biyayaan ng tatlong anak. Lalong lumago ang kanyang pananampalataya nang dumalo siya sa World Youth Day Sydney 2008. Aktibo siyang naglilingkod sa couple’s evangelization, medical team, at lumahok sa Harana Kay Maria at TIFL Muquaddas. Bilang miyembro ng FilCom Youth and Family Ministry (FCYFM), patuloy niyang iniaalay ang kanyang oras at talento para sa pananampalataya at pagkakaisa ng komunidad.
Ikalawang Wika,
Tinuya rin Siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas Mo ang Iyong sarili at pati na rin kami. “Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! Tama lamang na tayo’y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito’y walang ginawang masama.” At sinabi pa nito, “Hesus, alalahanin Mo ako kapag naghahari ka na.” Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.” Lucas 23, 39-43
Sasamahan tayo ni Sis. Melvira C. Anfone sa pagsasalaysay ng kanyang karanasan patungkol sa ikalawang wika.

Siya ay labing isang (11) taon nang naglilingkod sa Couples for Christ (CFC) at kasalukuyang Chapter Leader ng Chapter 2C1. Gabay niya ang Awit 34:18, “Malapit ang Panginoon sa mga pusong sugatan, at inililigtas ang mga may espiritung mabigat,”na nagpapatibay sa kanyang pagtitiwala sa awa at gabay ng Diyos sa kanyang buhay at paglilingkod. Si Sis Melvira ay patuloy na lumalago sa pananampalataya at paglilingkod sa komunidad, kasama at katuwang ang kanyang asawang, si Bro Brian.
Magkita-kita po tayo online sa ating SMCCFilipino Facebook page at Youtube Channel.
#PanahonNgKwaresma2026
#AngPitongHulingWikaNiHesusUnangWika
#AngPitongHulingWikaNiHesusIkalawangWika
#StMarysCatholicChurchDubaiSMCCFilipino

