Sa kabila ng pagod at puyat, buong puso ang paghahandog ng oras at talento ng mga lingkod ng Buklod Tinig para sa Harana Kay Maria 2025.
Muli, kayo po ay taos-pusong inaanyayahan ng Filipino Community sa isang espesyal na pagtatanghal na pangungunahan ng Buklod Tinig, na gaganapin sa ika-27 ng Setyembre 2025, Sabado, sa Bishop Gremoli Hall, St. Mary’s Church Dubai, mula ika-7 ng gabi.

