Happy Father’s Day sa Bida kong Tatay!

Mahal kong Tatay,

Tatay, kahit malayo ka sa aming piling,
Ramdam na ramdam pa rin namin ang init ng iyong pagmamahal.
Ang bawat patak ng pawis mo, bawat pagod at sakripisyo,
Ay haliging matatag ng kinabukasang aming inaasam.

Pangako po namin, Tatay — hinding-hindi masasayang ang lahat ng ginagawa mo para sa amin.
Ang mga pangaral mo, araw-araw naming baon.
Gabay namin ‘yan sa bawat hakbang, sa bawat desisyong aming tinatahak.

Kasama ka palagi sa aming mga dasal.
Nawa’y lagi kang malusog, ligtas, at may payapang kalooban, saan ka man naroroon.
Kami po’y nasa mabuting kalagayan, kaya’t sana po’y huwag mo kaming alalahanin.

Ikaw po ang aming inspirasyon — Aming lakas, aming tahanan.
At sa pagbalik mo,Tatay… kami naman ang magiging lakas mo.
Sana kahit papaano, mapagaan namin ang iyong buhay.
At higit sa lahat… huwag mong kalilimutang mahal na mahal ka namin.

Ingat ka palagi, Tay. Hanggang sa muli.

Happy Father’s Day sa Bida kong Tatay!

Nagmamahal,

Ang iyong bunso

 

 

 

 

Share the Post:

Related Posts

Scroll to Top