FILCOM ANNOUNCEMENTS
Shepherd’s Lamb Chorale
Ang Shepherd’s Lamb Chorale ay kasalukuyan pong naghahanap ng mga Pilipinong mang-aawit at musikero.
Missionary Families of Christ Dubai
Ang Missionary Families of Christ ay nag-aanyaya sa mga single men and women na dumalo sa kanilang Christian Life Seminar na may temang “Restored”.
Mother’s Day
Inaanyayahan ang mga Nanay, Ina, Mommy at Mama para sa pagdiriwang ng Mothers’s Day sa darating na Mayo 11, 2025, Linggo, 12:30pm.
Magkakaroon din po ng pagbabasbas para sa mga dakila at minamahal nating mga Nanay sa harap ng Bp. Gremoli Hall (Main Hall) pagkatapos ng Banal na Misa.
Flores de Mayo 2025
Ang Filipino Community ay malugod pong nag-iimbita sa lahat na dumalo at makilahok sa pagdiriwang ng Flores de Mayo 2025 na may temang,
“Maria: Ina ng Pag-asa, Gabay sa Paglalakbay sa Jubileo 2025”
(Roma 15:13 ASD)
Ang atin pong Santacruzan ay gaganapin sa Mayo 25, 2025, 11am – 3:30pm dito po sa St. Mary’s Catholic Church, Dubai, UAE. Kasama rin po sa programa ang Living Rosary at Dress Like Mama Mary.